Naghihintay sa Wala.

Mahirap maghintay ng txt msg galing sa isang tao. Lalo na’t kung napakatagal kang nakikipagtitigan sa phone mo. Kinakabahan ka kung anong magiging kahihinatnan ng ‘conversation’ niyo. Hindi mo alam baka maya-maya hindi na siya magreply. Nagkakabog na ang dibdib mong nag-iisip baka na bobored na siya sa ‘yo. Yung mga tipong ganun, yun yung nakaka-abala sa kaibuturan ng utak mo. 

Minsan nga, nakikipaglokohan yung telecommunications companies sa’yo. Yung tipong delayed yung messages? Natutulugan mo nalang yung ka-text mo. Yung ‘good night’ mo sa umaga pa niya narerecieve. 

Nakakadagdag lang ng kaba ang mga ganitong pangyayari. Lalo na’t may gusto ka sa isang tao or importante sa’yo. 

Page 1 of 1
kaxt©